Kasaysayan ng Wikang Pambansa at Mga Batas Pang-wika

" Pambansang Wika daan tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansang gumagamit nito."

Panahon ng Rebolusyon
  •       Saligang batas ng Biak na Bato 1897- gagawing opisyal na wika ng rebolusyon ang wikang Tagalog.
Panahon ng Amerikano
Batas blg. 74 noong 1901- gagamitin ang wikang Ingles bilang wikang panturo.
Komisyong Monroe- ang komisyong ito ang nagpatunay na may kakulangan pa rin sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa akademya.
Noong 1931-minunkahi ni Bise Gobernador-Heneral Butte na gamitin ang mga bernakular na wika upang gawing midyum sa pagtuturo
Gintong Panahon ng Wikang Pambansa
  -Manuel L. Quezon- Ama ng Wikang Pambansa

  -Lope K. Santos- ama ng balarilang Tagalog, nagpanukala na ibatay ang wikang pambansa sa  isa sa mga umiiral na wikang katutubo.

KUMBENSYONG KONSTITUSYUNAL NG 1935
 - binigyang katugunan ang pangangailangan ng bansa ng isang pambansang wikang magbubuklod sa bansa.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 KONSTITUSYON NG 1935 
                     Ang pambang asembleya ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa sa mga wikang katutubo. Hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ang wikang opisyal.
BATAS KOMONWELT BLG. 184
- Batas na nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito
TAGAPAGPAGANAP BLG. 134
nagrekomenda na Tagalog ang gawing saligan g Wikang Pambansa.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 263 ( ABRIL 1, 1940)
pinalimbag ang A Tagalog-English Vocabulary at Ang Barila ng Wikang Pambansa.
HULYO 19, 1940- sinimulan ituro sa mga paaralang pribado at publiko ang Wikang Pambansa.
BATAS KOMONWELT BLG. 570
- Ipihayag ang pagiging isa sa mga opisyal na wika ang wikang pambansa simula Hulyo 4, 1946.
PANAHON NI PANG. RAMON MAGSAYSAY
  •        Proklamasyon blg. 12 (Marso 26, 1954)- ipinagdiwang ang linggo ng wika noong Marso 29- Abril 4 tampok ang kapanganakan ni Francisco Balagtas
  •        Proklamasyon blg. 186 (1955)- inilipat niya ang pagdiriwang sa Agosto 13-19 na tampok ang kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa.
Kasaysayan ng wikang filipino
Ang wikang filipino ay isa sa mga pangunahing wika sa ating bansa bukod dito, ito rin ang ating pambansang wika.Noong Nobyembre 13, 1936, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:

1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalekto ng Toskong Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunandalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.


Comments

Popular posts from this blog

Sintaks, Sintaksis o Palaugnayan

Ponolohiya