Ponolohiya

        
              Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang Filipino ay may sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pag-aaral ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa taguring OSCAR.

Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita
Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging nagmumula sa baga hanggang sa ito’y makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili kaya’y sa ilong.
Ang Pagsasalita
Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng tatlong salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
3. resonador o ang patunugan
Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga tainga.
  Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang nagsisilbing mga resonador.
Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain.
Nalilikha ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema
Nalilikha ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema

Ponema

Ang ponema ay yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang tunog. Ang makahulugang yunit ng tunog na ito ang nagpapabago sa kahulugan ng isang salita.
HalimbawaAng pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha" at "bahay" ay bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang "bahay". Kung gayon, ang ponema[1] ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito.
Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng dalawampu’t limang (25) ponemadalawampu (20) na ponemang katinig at limang (5) ponemang patinig.
  Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/
Mga Patinig - /a, e, i, o, u/
Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan.
Ang salitang bansa, halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid, ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino.
Ang ponemang patinig at ponemang katinig ay maaaring pagsamahin upang makabuo ng isang tunog.
 Hal.   b+a = bak+o = kom+o = mos+i =si
Ang mga ito ay tinatawag na ponemang segmental.
Ang /ŋ/ naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrangng”.
Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, ñ, q, at x. Ang mga titik na ito ay walang tiyak na ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay tinaguriang redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba:
c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard
ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo
q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota
tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter
x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks
tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi
C    = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard
Ñ   = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo
Q    = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota
tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter
X     = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks
tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi
Uri ng Ponema
 Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mgaponemang segmental at suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto.


Comments

Popular posts from this blog

Kasaysayan ng Wikang Pambansa at Mga Batas Pang-wika

Sintaks, Sintaksis o Palaugnayan