Sintaks, Sintaksis o Palaugnayan

´Ang sintaks ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap.
´Ang tawag sa lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at paksa ay parirala.
    halimbawa: para sa amin, bilhan ng bahay, mabait na guro, mahinang magsalita.
´Maituturing na sugnay ang kalipunan ng mga salita na may panaguri at paksa,may buong diwa at maaari rin namang wala. Ito ay maaaring
1. Malaya/punong sugnay/ makapag-iisa/ independente at

2. Pantulong/ di-makapag-iisa/ dependente.
´Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.
´May mga pangungusap na binubuo ng dalawang panlahat na sangkap:
1.  Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari na gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.
    hal: Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.
§  Mayroon din naming paksa na sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
    hal: Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan.
2. Panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng   kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa
  Mga Uri ng Panaguri
´Mayroon tayong iba’t ibang uri ng panaguri:
1.  Panaguring pangalan
    hal: Luntiang Rebolusyon ang paksa ng pulong.
2. Panaguring panghalip
    hal: Siya ang puno ng barangay.
  a.) panghalip na panao yaong inihahalili sa pangangalang pantangi.
    hal: Siya ang puno ng barangay.
  b.) panghalip na pamatlig yaong panghalip na nagtuturo ng isang tao o bagay.
    hal: Ito ang babuyan ni Mang Jose.
3. Panaguring pang-uri ay maaaring isang salita o isang parirala
    hal: Malinamnam ang manggang hinog.
4. Panaguring pandiwa ay yaong ang pinakamahalagang salita ay pandiwa.
    Dalawa ang uri ng panguring pandiwa
    a.)Yaong may komplemento o layon at
    b.) Yaong walang komplemento o layon .
    Ang pag-uuring ito ay batay sa mga uri ng pandiwa.
´
5. Panaguring pang-abay
  hal: Bukas ang alis ng mga turista.
6. Panaguring pawatas
    hal: Manggamot ang naging trabaho niya sa nayon.
      Ang mga uri ng pandiwa
qPandiwang katawanin likas na di nangangailangan o di malalagyan ng tuwirang layon.
    hal: Gumising siya nang maaga kanina.
qPandiwang ganap na palipat yaong pandiwang laging may kasamang tuwirang layon.
    hal: Nagpatay ng baboy si Mang Gusting.
qDi sapilitang palipat yaong maaaring mayroon o walang kasamang tuwirang layon.
    hal: kumain siya.
  Mga pangungusap na walang paksa
Pangungusap na existensyal- ito ay nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o mahigit pang tao, bagay,at iba pa. pinangungunahan ito ng may o mayroon.
Pangungusap na pahanga- nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong pangungusap.
Mga maikling sambitlatumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Mga pangungusap na pamanahon- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Formulasyong panlipunan- mga pagbati, pagbibigay galang, at iba pa na nakagawian na sa lipunang Pilipino.
´Dalawang uri ng pangungusap
1.  karaniwan                                                          
2.Di- karaniwan

  halimbawa:
a.) Taunang pagdiriwang sa Bagiuo, ang Flower festival.
b.) Ang Flower Festival ay taunang pagdiriwang sa bagiuo.
´Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.
´Ang prediktibo o panaguri naman ay ang nagbibigay-kabatiran sa paksa.
´Mga uri ng pangungusap ayon sa tungkulin o gamit
ØPasalaysay/paturol/ declarativ
ØPautos / imperativ
ØPatanong/ Interogativ at padamdam/Exclamatori
´Ayon sa anyo ang pangungusap ay
ØPayak
ØTambalan
ØHugnayan at
Ølangkapan  
 ´Payak na pangungusap- Ang payak na pangungusap ay isang ganap na sugnay sapagkat ito’y binubuo ng isang malayang sugnay na maaaring may isang simuno at isang panaguri, dalawang simuno at isang panaguri, isang simuno at dalawang panaguri o dalawang simuno at dalawang panaguri.
Hal: Nagtanim ng palay ang magsasaka.
Ang magsasaka at ang kanyang anak ay nagtanim ng palay.
Tambalang pangungusap- Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang Malaya o makapagiisang sugnay.
Hal: Tumakbo ang bata at ang kanyang aso ay tumatahol.
 Si pangulong Estrada ay nagtatalumpati at ang unang ginang ay nakaupo’t nakangiti.
´Hugnayang pangungusap- Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang malayang sugnay at isang sugnay na di-makapagiisa.
Hal: Ang buhay ay parang gulong kung umiikot ito nang pailalim at paibabaw.
Ang ina ay namamaypay habang ang ama ay nananabako
Langkapang pangungusap- Ang langkapang Pangungusap ay binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Hal: Nangangahig ang tandang, nanunuka ang dumalaga habang ang inahin ay pumuputak at ang mga sisiw ay nagsisisiyap sa di-malamang takot.

Gawain:
                Bumuo ng mga salita na makapag-uugnay ugnay upang makabuo ng isang diwa batay sa palaisipan sa ibaba. Bilugan ang mga salita.
               

A
G
P
A
K
A
H
G
D
H
T
A

G
N
A
Y
A
N
G
U
A
L
A
P

T
P
G
N
G
G
G
P
M
C
M
N

R
I
S
R
Z
T
F
A
R
G
N
G

L
N
A
N
D
Y
O
N
W
J
O
U

U
I
S
B
U
O
N
G
X
D
P
N

A
T
A
A
H
H
G
F
Q
P
Q
G

W
I
M
M
L
F
W
I
K
A
U
U

I
K
A
G
T
I
O
F
K
B
A
S

D
A
S
M
Y
R
T
A
L
A
T
A

J
N
A
E
R
U
L
A
F
C
A
P

F
G
M
G
A
I
N
X
H
J
O
Q

Q
O
A
M
A
K
A
B
U
O
T
S



Comments

Popular posts from this blog

Kasaysayan ng Wikang Pambansa at Mga Batas Pang-wika

Ponolohiya