Regulatori at Heuristikong Tungkulin ng Wika
Anomang wika ay may tungkuling tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang kinabibilangan nito. halimbawa, hindi lubos na mauunawaan ang baryasyon ng wika kung ang pag-aaralan lamang ay ang mga lingguwistikong estrukturang bumubuo rito,at isasantabi ang mga di-lingguwistikong pangyayari o pagkakataon na nagbunsod sa pagsulpot nito bilang panlipunang gamit at produkto ng isang layunin sa komunikasyon. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog- sa- gamit (functional approach) na pag-aaral sa wika na ipinanukala ni Halliday (1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga naunang teorya nina Malinowski (1923), Firth (1957),at iba pa.
Ipinapalagay ni Malowski na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang pangangailangan at konteksto (sa Haslett 2008). Ibig sabihin, ang silbi at tungkulin ng wika ay nililikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito sa isang partikular na kultura. Halimbawa, may mga salita sa Filipino na sensitibong ginagamit bilang konsiderasyon sa kultural na aspekto makatugon sa hinihingi ng tagapagsalita. Sa kabilang banda, maaari ring ituring na mabisa ang pahayag kung ginamit ito sa angkop na sitwasyon at layunin sa pakikipagkapuwa.
May Regulatori na tungkulin ang wika na may kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba. Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid. Madalas may negatibong konotasyon ang ideya ng pagkontrol, ngunit maaari namang isagawa ito sa positibong paraan ng angkop na paggamit ng wika. kailangang maging malinaw na ang anomang uri ng komunikasyon ay makapangyarihan , maaaring positibo ngunit maaari ring maging negatibo ang implikasyon sa kapuwa tagapagsalita at tagapakinig.
Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtiklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran, nagiging heuristiko ang tungkulin ng wika. Sumusulpot ang ganitong heuristikong tungkulin ng wika. sumusulpot ang ganitong heuristikong tungkulin ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng isang bata o indibidwal. Maaari rin na sumulpot sa paraan ng pag-alam sa mga bagay-bagay,pagdudula, o palagay. Sa aktuwal na karanasan , maaaring makita ang tungkulin ng wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon ,pagtatanong, at pananaliksik.
GAWAIN: HALOK DUNONG
Basahin ang diyalogo at tukuyin ang tungkulin ng wika kung: A. instrumental, B. regulatori, at C. heuristiko sa mga pahayag na may guhit. Isulat lamang ang titik ng tamang tungkulin ng wika sa ibabaw ng ginuhitang pahayag.

Aira: Parang (1) gusto kong lumahok sa kanilang rali.
Airo: (2) Ano ba ang ginagawa sa rali?
Aira: Programa at talakayan sa mas malawak na hanay ng mga tao.
Airo: (3) Bakit rali?
Aira: (4) Ginagawa ito bilang isa sa mga porma ng malayang pagpapahayag at praktis ng demokrasya.
Airo: Ibig sabihin, (5) may iba pang porma ng pagpapahayag?
Aira: Marami naman, kung (6) gusto mo ay maaari kang lumahok sa paraan ng diyalogo, forum, pagsulat ng tula, polyeto, at iba pa.
Airo: Ayun naman pala, (7) bakit rali pa ang napili?
Aira: (8) Kailangang i[paabot sa mas malawak na mamamayan ang isyu.
Airo : Ganu’n?
Aira: (9) Tandaan din natin na marami tayong tinatamasang karapatan at kalayaan ngayon na ipinagtagumpay sa kolektibong pagkilos.
Airo: Tama! (10) Tara lumahok tayo!
Comments
Post a Comment